-- Advertisements --

Anggulo na may kinalaman sa kaniyang negosyo ang nakikita ng kapulisan ng Quezon City sa naganap na pamamaril na ikinasawi ng dalawang katao sa kahabaan ng EDSA-Timog nitong hapon ng Martes, Abril 28.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 10 commander Police Lieutenant Colonel Zachary Capellan, na may ilang negosyo ang biktima kung saan ito ang kanilang naging unang tinignang anggulo.

Ipinasuri na rin nila ang mga nabawing motorsiklo na iniwan ng mga suspek matapos ang insidente ng pamamaril.

Nanawagan din opisyal sa publiko na kung maari ay isumbong sa kanila ang ilang impormasyon na makakapagbigay tulong sa kanilang imbestigasyon.

Magugunitang pinagbabaril ng hindi pa nakilalang mga suspek ang biktima kung saan iniwan nila ang mga motorsiklo sa hindi kalayuan.