-- Advertisements --

DAGUPAN CITY–Dead on the spot ang isang 67 anyos na lalaking negosyante matapos itong pagbabarilin ng isang lalaking sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Brgy Macabito Calasiao highway.

Ayon kay P/Maj. Alex Hermogeno ang siyang Deputy Chief of Police ng Calasiao PNP na ang biktima ay kinilalang si Raymundo Maningding residente ng Bry. Ambunao sa naturang bayan.

Aniya na habang binabagtas ng biktima ang naturang highway kasama ang kaniyang live in partner na sakay ng isang tricycle , nang malapit na sa junction ng Brgy Macabito at Brgy Balingueo, sta barbara, ang nag-iisang suspek na sakay ng motorsiklo ay nakabuntot sa biktima patungo sa direksyong kanluran at nang walang anumang dahilan ay binaril ito.

Agad namang natamaan sa likutrang bahagi si Maningding dahilan upang huminto ito dahil sa natamo nitong pinsala.

Matapos nito, huminto ang suspek malapit sa biktima at muli itong binaril sa ulo saka agad na nag-u-turn at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon ng bayan ng Malasiqui habang ang live in partner ng biktima ay agad na umalis din sa lugar at nagsumbong sa himpilan ng Calasiao PNP.

Ideneklara naman itong dead on the spot dahil sa naging tama ng bala sa kanyang likod at ulo habang ang kaniyang live in partner ay hindi nagtamo ng anumang galos sa kaniyang katawan.

Sa ngayon ay patuloy naman ang imbestigasyong kanilang isinasagawa para matukoy kung sino ang nasa likod ng nangyayaring pamamaril.

Isasailalim naman ang bangkay ng biktima sa post mortem examination at autopsy .