
Ipagpapatuloy sa susunod na linggo ang negosasyon sa code of conduct para sa West Philippine Sea (WPS) sa Jakarta, Indonesia ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang naturang development ay matapos kumpirmahin ng Indonesia na siyang chair ng ASEAN ngayong taon na kanilang papaigtingin pa ang dayalogo kaugnay sa pinag-aagawang karagatan kasunod na rin ng pagpupulong sa pagitan nina Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi at kaniyang Chinese counterpart, Qin Gang.
Ayon sa DFA, isasagawa ang pagpupulong sa Marso 8 at 9. Ito ang ika-38 pagpupulong ng Joint Working Group at isasagawa sa ASEAN Secetariat.
Ang huling pagpupulong sa Code of conduct ay isinagawa sa Cambodia noong Oktubre 2022.
Una rito, ang apat na ASEAN members kabilang ang Pilipinas, Malaysia,Vietnam at Brunei ang nag-aagawan sa parte ng West Philippine Sea. Habang ang Indonesia naman ay mayroong dispute sa China kaugnay sa karapatan sa pangingisda sa Natuna islands na nasa southern part ng WPS.










