-- Advertisements --

Kinumpirma ng isang local pharmaceutical ditributor na sisimulan na ng Pilipinas na makipag-usap sa Novavax.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Hulyo 2021 ay inaasahan ng bansa na makakatanggap ito ng 30 milyong doses ng Covavax, ang COVID-19 vaccine mula sa Novavax.

Kasalukuyang nasa phase 3 ng clinical trial ang naturang bakuna na nilahukan ng 30,000 participants mula United Kingdom, United States, Mexico, at India.

Sinabi ni Dr. Luningning Villa, medical director ng Faberco Life Sciences Inc., na naging encouraging ang resulta ng mga isinagawang pag-aaral.

Maganda aniya ang immune response na ipinakita sa phase 1 at tapos na rin itong isailalim sa phase 2. Sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang publication hinggil dito.

Aabot ng 2.5 billion na bakuna ang inilaan para sa vaccination program ng bansa sa ilalim ng Department of Health (DOH). Mayroon namang halos P70 billion standy funds ang idadagdag mula sa aprubadong loans o kung sakali na sumobra ang gobyerno sa non-tax revenue targets nito.