Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang paglikha ng mga dekalidad na trabaho sa buong bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nananatiling nakapokus ang ahensiya sa pagpapabuti ng ibat ibang sektor na tiyak na magbibigay ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.
Pangunahin dito aniya ang business sector kung saan prayoridad nilang makakahikayat ng mas maraming investors.
Sa pamamamagitan nito ay tiyak kasi aniyang lalo pang tataas ang bilang ng mga available o bakanteng posisyon/trabaho.
Maliban sa business sector, prayoridad din aniya sa ilalim ng administrasyong Marcos na maipatupad ang programa na makakatulong sa pagpapahusay sa kakayahan ng mga manggagawang Pilipino.
Sa ilalim ng naturang programa, naniniwala ang opisyal na lalo pang tataas ang employability o abilidad na makapasok sa trabaho, ang mga manggagawang Pinoy.
Maalalang sa inilabas na July 2023 Labor Force Survey, naitala sa 4.8% ang unemployment rate nitong Hulyo na mas mababa sa 5.2% na naitala sa kaparehong buwan noong 2022.