-- Advertisements --

Naniniwala ang National Economic Development Authority (NEDA) na ang price ceiling sa mga bigas ay temporaryo lamang.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang executive order na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay hindi lamang nag-iisang paraan para tuluyang mapagbaba ang presyo ng bigas sa bansa.

Naniniwala ito na sa mga susunod na araw ay magkakaroon na ng sapat na suplay ng bigas sa bansa.

Sang-ayon ito sa naging desisyon ng pangulo na kaya ito nagpatupad ng price ceiling para tuluyang makontrol ang pagtaas ng presyo nito.