Ibinida ng National Economic Development Authority ang mga nagawa ng ahensiya sa ilalim ng unang taong panunungkulan ni Panglong Ferdinand Marcos.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kabilang sa mga nito ay ang pagkakabuo ng 8-Point Socioeconomic Agenda na siyang nagsisilbing gabay ng pamahalaan sa mga inisyatiba nito para sa pagpapalago sa ekonomiya ng bansa/
Maliban dito, nabuo rin aniya ang Medium-Term Fiscal Framework, at ang Philippine Development Plan 2023 to 2028 na siyang development blueprint ng Pilipinas para sa pag-unlad ng bansa.
Kasama na rin dito ang P5.2 trillion na People’s Enacted Budget para sa taong 2023.
Naniniwala ang kalihim na sa tulong ng mga nasabing accomplishment ay nagawa ng NEDA na lalo pang mapaunlad ang bansa, kasama na ang pribadong sektor, tungo sa pag-abot sa mga development target ng administrasyon.
Ani Balisacan, sa kabila ng mga hamon na kinakaharap at una nang nalampasan ng bansa sa nakalipas na taon, marami pa aniya ang mga hamon sa ekonomiya ng bansa na kailangang harapin at matugunan ng bansa.