-- Advertisements --

Inirekumenda ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan palawigin pa hanggang sa huling bahagi ng 2024 ang mas mababang tariff rate ng ilang agricultural products.

Kung maalala nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Executive Order no 10 o extension ng lower tariff rates sa bigas, karneng baboy at mais ng hanggang Dec 31, 2024.

Paliwanag ni Balisacan na dahil sa naging mabilis na paggalaw ng inflation bunsod ng mataas presyo ng bigas at transportation cost kaya umabot sa 6.1 percent ang inflation sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Balisacan upang tugunan ang mataas na presyo ng bigas kailangan masiguro na sapat ang supply nito sa bansa.

Sa ginanap na INTER-AGENCY Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) kamakailan, inirekumenda dito na palawigin pa ang lower tarrif rate sa mga “most favored nation” o MFN.

Sinabi ni Balisacan dadaan pa ang kanilang proposal sa assessment at consultation.

Naniniwala kasi si Balisacan na kapag tinanggal ang EO No.10 siguradong magtataas ang presyo ng bigas, karne baboy at mais at lalong tataas ang inflation.