Nasa proseso na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pag beripika hinggil sa mga napapaulat na casualties dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.
Batay kasi sa latest na data ng NDRRMC, umakyat na sa 20 ang bilang ng mga naitatala nilang nasawi mula sa tatlong rehiyon sa bansa.
Tatlo rito ay mula sa Negros Oriental, 14 mula sa Baybay City sa Leyte habang tatlo ang mula sa Monkayo, Davao de Oro at Cateel, Davao Oriental.
Isa naman mula sa Monkayo, Davao de Oro ang napaulat na nawawala subalit ang lahat ng ito ay patuloy pa rin namang inaalam kung may kinalaman sa bagyo ang kanilang kinasapitan
Samantala, aabot na sa P250,000.00 ang naitalang pinsala sa imprastraktura sa Region 7 at 10 habang nananatili pa rin sa P874,000.00 ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Region 12 at BARMM.