Nagpulong kahapon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) April 25, 2022, para talakayin ang iminimungkahi na pagtatayo ng temporary shelter para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Tropical Storm (TS) “Agaton”, nagsagawa din ang ahensiya ng after-action review of operations.
Layon nito para agad matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya partikular sa bayan ng Abuyog at Baybay.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec Ricardo Jalad na napagka sunduan ng council na ang OCD ang siyang mag provide ng construction materials at pondohan ang nasabing proyekto.
Ang Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau, ang inatasan na magsagawa ng site assessment kung saan itatayo o i construct ang temporary shelter.
Habang ang Department of Public Works and Highways ang siyang mag handle sa site inspection, preparation para sa kaukulang site development.
Ang DSWD naman ang siyang magbibigay ng pagkain at cash for work sa mga volunteers.
Samantala, Armed Forces of the Philippines (AFP) ang siyang mag deploy ng mga tauhan na gagawa sa construction at sisiguraduhin naman ng DILG ang compliance ng Baybay at Abuyog LGUs para sa relocation program.
Sinabi ni Jalad na target matapos ang Construction ng temporary shelters sa June 10, 2022.
Ito ay para sa mga pamilyang nasira ang mga bahay dahil sa landslides sa Leyte.
May iminumungkahi din ang Department of Human Settlements and Urban Development, sa NDRRMC na isang permanente at standard shelter program.
Ayon naman kay Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. Adelio Cruz, na nangako ang Chinese Givernment na mag donate USD 200,000 sa mga apektadong komunidad.
Ang nasabing pulong ay pinangunahan ni NDRRMC Chairperson and Defense Secretary Delfin Lorenzana.