Mariing Itinanggi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang report na P25 bilyong piso Calamity Fund ang hindi nagastos sa gitna ng Pandemya.
Ayon sa NDRRMC kinulang pa nga ang kanilang orihinal na Calamity fund para sa taong 2020 na P16 bilyong piso at dinagdagan ito ng PHP 6.7 bilyon para sa Covid 19 operations, Dahilan para umabot ang pondo sa kabuuang P22.7 bilyong piso.
P19.79 billion sa halagang ito ang may aprubado nang request at project proposals sa Office of the President; habang P2.9 na bilyon ang nakalinya na para iproseso at aprubahan.
Para naman sa taong 2021, nasa P20 bilyon ang alokasyon para sa Calamity fund, kung saan 5 Bilyon ang para sa patuloy na rehabilitation ng Marawi, 2 bilyon para sa Insurance Fund, at 13 bilyong para sa Regular NDRRM Fund.
P3.5 bilyon sa halagang ito ang inaprubahan na ng Pangulo para sa iba’t ibang rehabilitation programs kasama ang Marawi rehabilitation at Covid 19 operations; at 4.4 na bilyong pisong halaga ng mga request ang kasalukuyang pinoproseso.
Dahil dito, ay P11.95 bilyong piso nalang ang available sa Calamity fund para sa taong ito.