-- Advertisements --

Idinetalye ng pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines ang ilan sa mga nais nitong matugunan sa muling pagabalik ng naturang grupo, kasama ang pamahalaan, sa negotiating table para sa panibagong usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Julieta de Lima, chair ng interim NDFP negotiating panel, mayroong apat na issues na nais nilang matiyak.

Una ay ang partisipasyon ng mga NDFP consultants sa mga isasagawang serye ng negosasyon. Mahalaga aniya ang partisipasyon ng mga naturang consultants para sa pagbuo ng anumang mapagkakasunduan sa hinaharap.

Kailangan din aniyang matiyak ang seguridad at immunity ng mga consultant na magiging bahagi ng usapang pangkapayapaan. Ayon kay De LIma, kailangang magkaroon ng ‘favorable etmosphere’ sa gaganaping pag-uusap.

Maliban dito, hihilingin din umano ng NDFP ang tuluyang paglaya ngmga political prisoners sa bansa.

Pang-apat ay ang ‘abrogation’ o pagpapawalang bisa at pagtanggal sa aniya’y hindi makatarungang pagtawag bilang terorista sa mga miyembro ng NDFP, kasama ang mga panel members.

Kahapon ng unang ibinunyag ng pamahalaan at ng NDFP ang muli nilang pagbabalik sa negotiating table upang planuhin ang posibleng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF.