-- Advertisements --
Puspusan ang ginagawang paghahanda ng National Capital Region Police Office o NCRPO para sa nalalapit ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Hulyo 24.
Ilan sa mga ipapatupad nila ay ang gun-ban, no-fly zone at no drone zone.
Ayon kay NCRPO Director, P/MGen. Edgar Alan Okubo na mayroon silang ipapakalat na 22,081 na mga kapulisan para matiyak ang seguridad sa ikalawang SONA ng pangulo.
Nakahanda na rin ang kanilang mga kinuhang force multipliers para sa nasabing SONA.