Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PDir. Oscar Albayalde na kanilang mino-monitor ngayon ang mga kamag-anak ng mga Maute terror group na matagal nang naninirahan dito sa kalakhang Maynila.

Nilinaw ni Albayalde na hindi ito mga kamag-anak na nagsilikas mula sa Marawi City matapos sumiklab ang labanan sa nasabing lugar.

Sinabi ni Albayalde na bagamat mga law abiding citizens itong mga kamag anak ng Maute terror group na nakatira dito Maynila ay kanilang mino-monitor ang mga galaw ng mga ito.

Inihayag ng heneral na ang kasalukuyang nasa moderate ang alert level sa kalakhang Maynila.

Pero hinikayat ng pulisya ang mga mamamayan na maging alerto lalo na sa mga nakikitang mga kahina-hinalang mga bagahe na ipagbigay alam kaagad sa mga otoridad.

Pagitayak ni Albayalde na walang dapat ikabahala ang mga residente ng Metro Manila na kontrolado ng PNP ang sitwasyon sa ngayon.