Personal na nagsagawa ng aerial inspection si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Dir. Guillermo Eleazar habang nagpapatuloy ang Traslacion.

Layon nitong matiyak na maayos at ligtas ang lahat ng mga deboto na kalahok sa prusisyon.

Bukod sa mga deboto nais din ng PNP masigurado na maging ang mga spectators ay “safe and secured.”

Personal din pinangangasiwaan ni Eleazar ang kaniyang mga tauhan na nagbibigay seguridad, kasama na dito ang puwersa ng mga sundalong nagsilbing augmentation force.

Sa nasabing aerial inspection, inikot ng heneral ang pinagdausan ng prusisyon.

Nitong hapon nagsagawa naman ng inspection si PNP chief Oscar Albayalde partikular sa may area ng Plaza Miranda.

Una nang sinabi ni Albayalde na walang mga major incidents na naitala ang PNP pwera na lamang sa mga nasugatan dahil sa balyahan sa prusisyon.