Tinataya ng OCTA research team na posibleng pumalo ng 3,000 bagong kaso ng coronavirus disease kada araw ang maitatala sa Metro Manila sa katapusan ng Marso.
Ayon kay Dr. Guido David, simula noong Marso 6 ay nakapagtala na ang Maynila ng 1,400 na bagong kaso ng nakamamatay na virus.
Pagsapit umano ng Marso 21 ay aabot ng 2,000 cases ang maitatala habang 3,000 cases naman pagdating ng Marso 31.
Nilinaw naman ni David na hindi ibig sabihin nito ay mangyayari talaga ang kanilang projections. Ang gusto lang daw nitong ipaalala sa publiko na kung hindi magbabago ang trend ay tataas pa lalo ang kaso ng coronavirus sa Pilipinas.
Kasalukuyan aniyang nasa 1.66 ang reproduction number sa Maynila. Tumutukoy ito sa average number ng mga indibidwal na dinadapuan ng COVID-19.
Dagdag pa ng eksperto na inaasahan din nila na umabot ng 5,000 hanggang 6,000 kada araw ang bilang ng daily infections sa katapusan ng kasalukuyang buwan.