Tatalakayin ng mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ang iba pang mga hakbang na maari nilang ipatupad para maiwasan ang breach sa quarantine protocols sa mga hotels.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, kailangan na masolusyunan ang naturang issue hindi lamang ng Department of Tourism kundi maging ng iba pang mga opisina ng pamahalaan.
Naniniwala si Abalaos na kailangan din ng tulong mula sa mga pulis upang sa gayon maiwasan na mangyari ulit ang pagkakatakas ng mga returning overseas Filipinos sa kanilang quarantine hotels.
Kaya nga aniya maaring nakatakas si Gwyneth Chua, na binansagan nang “Poblacion girl,” ay dahil mayroon talagang security lapse.
Sa ngayon, suspendido na ang accreditation ng Berjaya Makati Hotel matapos na tumakas si Chua sa kanyang quarantine.
Maging ang permit nito bilang multiple-use hotel ay binawi na rin ng DOT.
Smanatala, naghain na ng reklamo ang PNP-CIDG sa Makati Prosecutor’s Office laban kay Chua, kanyang mga magulang, limang hotel personnel, at boyfriend nito.