EDSA TRAFFIC
-- Advertisements --

Nakahandang dipensahan ng Department of Transportation (DOTr) ang proposal nilang itaas na sa 100 percent ang passenger capacity ng mga public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila.

Sa isang statement, sinabi ng DOTr na ang National Capital Region (NCR) ang siyang “ideal place” kung saan isagawa ang proposal na ito gayong 81.4 percent ng populasyon ay fully vaccinated na kontra COVID-19.

Bukod dito, well-ventilated din anila ang mga public utility jeepneys at buses na nago-operate sa Metro Manila.

Noong Lunes, sinabi ng DOTr sa pagdinig sa Senado na hihilingin nila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan nang itaas ang carrying capacity ng mga PUVs mula 50 percent hanggang 100 percent.

Ayon sa DOTr, ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 3, na nagpapahintulot sa mas maraming mga negosyo na magbukas, at mas maraming mga tao na makalabas ng bahay, dahilan kung bakit mayroong mataas na demand para sa pampublikong sasakyan.

-- Advertisement --

Sinabi ng DOTr na base sa pag-aaral, sa pamamagitan nang wastong pagsuot ng face mask at partial hand sanitizer ay napatunayang epektibo sa pag-contain ng COVID-19 habang patuloy na nakakapag-operate ang mga PUVs.

Samantala, iginiit din ng kagawaran na makakatulong para kumita ng mas malaki ang mga public transport drivers at operators kapag maitataas sa 100 percent ang passenger capacity ng kanilang mga minamanehong pampublikong sasakyan.