-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang na mananatili sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) mula June 1 hanggang June 15 kaugnay sa patuloy pa ring COVID pandemic.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Kris Ablan na ito ay pinagtibay sa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 168-A.

Bukod sa NCR, ang iba pang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 ay kinabibilangan ng Abra, Ilocos Norte, Batanes, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Angeles City, Olongapo City, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Lucena City, Marinduque , Albay, Aklan, Siquijor, Biliran, Zamboanga City, Bukidnon, Iligan City, Surigao del Sur, Butuan City, at iba pa.

Ang Alert Level 1 ay nagpapahintulot sa intrazonal at interzonal na paglalakbay anuman ang edad at comorbidities, at lahat ng mga establisyemento, tao, o aktibidad ay nag-o-operate ng full on-site capacity na napapailalim sa minimum public health standards.