Mananatili ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) kahit ipinagpaliban ang rehabilitasyon ng EDSA, ito ang tiniyak ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Lunes.
Giit ng kalihim na hindi limitado sa EDSA ang NCAP at isa itong mas efficient na paraan ng pagpapatupad ng batas-trapiko.
Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang buwang pagkaantala ng proyekto upang pag-aralan kung may mas bagong teknolohiya na maaaring gamitin para mas-mapabilis ang rehabilitasyon ng 23.8-kilometrong kalsada.
Aniya, kung posible target ng Pangulo na tapusin ito sa loob ng anim.
Sa kabila nito ang rehabilitasyon ng EDSA ay inaasahang magdudulot ng matinding trapiko at nakatakdang tumagal hanggang taong 2027.
Samantala, muling ipinatupad ang NCAP matapos bahagyang alisin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order, na ngayon ay nagpapahintulot lamang sa MMDA na magpatupad ng naturang polisiya.