-- Advertisements --
Inimibitahan na maglaro sa Gilas Pilipinas si NCAA Most Valuable Player Rhenz Abando.
Isa ang Letran player na napili ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na posibileng isabak sa ilang torneo ng FIBA na Hulyo.
May average points si Abando na 15.7, rebounds na 6.3, 1.7 assists at 1.2 blocks.
Matapos kasi ang bigong pagkuha ng Gilas Pilipinas ng gold medal noong 31st SEA Games ay inihayag ni Reyes na kukuha sila ng mga manlalaro na manggagaling sa NCAA at UAAP.