Inatasan na ng Department of Justice (DoJ) Ang National Bureau of Investigation (NBI) ang lumutang sa imbestigasyon ng Senado na “hospital pass for sale” sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sa inilabas na Department Order 479 ng DoJ na pirmado ni Justice Sec. Menardo Guevarra, inaatasan nito ang NBI na magsagawa na ng imbestigasyon at case build-up sa umano’y nangyayaring “hospital pass for sale” na kinasasangkutan ng ilang tiwaling opoisyal ng BuCor.
Sakali umanong makitaan ng sapat na ebidensiya ay dapat itong magsapa ng kaukulang reklamo o kaso laban sa mga taong sangkot o responsable sa naturang hospital pass for sale.
Nauna nang nabulgar sa pagdinig ng Senado na nagagawang makalabas ng mga inmates ng Bilibid sa pamamagitan ng pagpapanggap na mayroon itong mga sakit kaya hihirit sa BuCor ng “hospital referral pass” mula sa mga empleyado ng BuCor.
Kapag nakakuha ng ng hospital referral pass, maari nang makalabas ang inmate mla sa bilibid para mailipat naman sa ospital ng New Bilibid Prison (NBP) para iwas sa siksikan ng mga inmates sa loob.