-- Advertisements --
Nais ng National Bureau of Investigation (NBI) na higpitan ang mga requirements sa e-wallets at mga shopping platforms.
Kasunod ito sa nagagamit umano ang mga platform at mga app sa scam.
Sinabi ni Jeremy Lotoc ng NBI Cybercrime Division na naging maluwag ang mga security policy ng mga online platform.
Dahil na rin sa hiigpit na ipinapatupad na Bank Secrecy Law ay sinasamantala ito ng mga sindikato para doon itago ang mga pera na kanilang nakukulimbat.
Nagbunsod ang panawagan dahil sa pagkakaaresto ng NBI ng ilang mga indibidwal na nagbebenta ng mga bank account at ilang mga electronic wallets na pag-aari ng ibang tao.