Nagsasagawa na raw ng backtracking ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ruta na dinaanan ng abogadong si Atty. Ryan Oliva mula Pasay City patungong Batangas bago ito nawala.
Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, nakakuha na raw ng lead ang ruta ni Oliva bago nawala base sa testimonya ng taxi driver na sinakyan ni Oliva sa SM Mall of Asia.
Sinabi ni NBI special actions unit chief Emeterio Dongallo na iniutos ng abogado na dalhin ito sa Batangas.
Si Oliva na Department of Tourism (DoT) legislative liaison officer ay huling nakitang palabas ng isang establishment sa Taguig noong November 22 ng umaga araw ng Linggo base sa closed circuit television footage na nakuha ng NBI.
Nakita rin ito sa CCTV na nagwi-withdraw ng pera sa ATM machine sa Kawit, Cavite habang patungong Batangas.
Una rito, kinumpirma ng NBI na na-recover daw ang Occidental Mindoro police ang isang bag sa baybayin ng Looc, Occidental Mindoro na nag-match naman sa bag na ginamit ni Oliva noong nakita ito sa Taguig.