-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na tumestigo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi nito na kahit na anumang oras ay handa ito dahil wala itong bagong sasabihin at tanging mga nasa dokumento at ebidensiya ito.

Paliwanag pa nito na hindi na kailangan ito ng i-subpoena dahil boluntaryo ito pupunta.

Una ng sinabi ni Matibag na kung maari ay agahan ang pagbibigay nito ng testimonya sa impeachmentpara makadalo ito sa international anti-scam summit na gaganapin sa Bangkok, Thailand.

Binigyang halaga ni Matibag ang pagdalo nito sa summit lalo na ang pagtanggal na ng Pilipinas sa grey list sa money laundering.

Inaasahan din niya kasi sa summit ang pakikipagpulong niya kay Federal Bureau of Investigation (FBI) Director Cash Patel.

Paglilinaw ng NBI chief na hindi siya ang nagdidikta ng kaniyang schedule sa pagdalo sa impeachment court.