Matapos ang 4-0 na pagkatalo sa Denver Nuggets sa Western Conference Finals, lumutang ngayon sa mundo ng NBA ang posibilidad na kukunin ng Los Angeles Lakers si Trae Young.
Batay sa report, kasalukuyan nang pinag-uusapan ng Lakers management ang posibilidad na pag-trade para kay Young bilang isa sa mga Point Guard ng koponan.
Sa kasalukuyang Season, hawak ni Young ang career average na 25.5points, 3.7rebounds, at 9.3 assists.
Sa kasalukuyan, si Young ay hawak din ng Klutch Sports, ang sports agency na siyang kumakatawan kina Lebron James at Anthony Davis.
Kung kukunin ng Lakers si Young, kakailanganin din ng Lakers na ipalit ang ilan sa mga bench at role players nito.
Nauna na ring sinabi ni Lakers General Manager Rob Pelinka na hindi nila papakawalan ang mga batang talent, katulad nina Austin Reaves at Rui Hachimura.