-- Advertisements --

Nakatakdang tuluyan ng iretiro ng NBA ang jersey number 6 ng namayapang si Bill Russel.

Siya ang magiging unang manlalaro na ang kaniyang uniform number ay iretire sa buong liga.

Unang niretire ng Major League Baseball ang trailblazer ang number 42 ni Jackie Robinson noong 1997.

Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver, na hindi mapapantayan ang naging tagumpay ni Russel sa basketball at ang pagiigng civil rights activist nito kaya mararapat na mabigyan ito ng pagkilala sa makasaysayang paraan.

Dagdag pa nito na kanilang permanente ng ireretiro ang numero 6 sa buong liga.

Ilan sa mga manlalaro na mayroong number 6 ay si Los Angeles Lakers star LeBron James at Kristaps Porzingis ng Washington Wizards.

Magugunitang pumanaw ang NBA Hall of Fame center noong Hulyo 31 sa edad 88.