-- Advertisements --

Magsasagawa ang NBA ng preseason games sa United Arab Emirates sa susunod na taon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na doon gawin ang laro.

Isasagawa ang dalawang exhibition games sa Abu Dhabi sa Oktubre 2022.

Sinabi ni NBA deputy commissioner at chief operating officer Mark Tatum, na ang nasabing mga laro ay bahagi ng kanilang pagpapakita ng lumalawak na ang larong basketball sa buong mundo.

Unang isinagawa ang offiical overseas games ay noong 1978 ng bumiyahe ang Washington Bullets sa Israel para makalaro ang Maccabi Tel Aviv team.