-- Advertisements --
Nagpapagaling na sa pagamutan si NBA Hall of Famer Kareem Abdul-Jabbar matapos na mahulog sa isang konsiyerto sa Los Angeles.
Dahil sa aksidente ay nagkaroon siya ng injury sa kaniyang beywang kaya sumailalim ito sa operasyon.
Sinabi ng kaniyang business partner na si Deborah Morales na dinala ito sa UCLA Hospital matapos ang aksidente. Ito na ang pinakahuling serye ng nagkaroon ng problema sa kalusugan ang dating Los Angeles Lakers star dahil noong mga nagdaang taon ay nagkaroon ito ng leukemia, prostate cancer at heart bypass surgery.
Isa sa most decorative player ng NBA si Abdul-Jabbar na nagwagi ng anim na kampeonato, naging six league Most Valuable Player awards at naging All-Star player ng 19 na pagkakataon.