Napigilan ng Sacramento Kings ang Houston Rockets 121-118.
Nagtala ng tig 24 points sina Davion Mitchell, Damian Jones at Trey Lyles para pigilan ang rookie ng Rockets na si Jaylen Green.
Bukod pa sa 24 points ay mayroong limang rebounds at walong assists si MItchell, habang mayroon siyam na rebounds at limang assists si Jones at pitong rebounds naman ang naitala ni Lyles.
Nasayang naman ang nagawang anim na 3-points ni Green na may kabuuang 32 poiints ang nagawa.
Naging masaklap naman ang pagkatalo ng San Antonio Spurs sa Memphis Grizzles 112-111.
Dinala ni Tyus Jones ang Grizzles na nagtala ng 25 points at dinagdagan naman ni Dillon Brooks ng 21 points ang Memphis habang mayroong tig 16 points sina Desmond Bane at De’Anthony Melton.
Umabot pa ng 18 points ang naging kalamangan ng Grizzles hanggang napababa ng Spurs ang kalamangan sa last quarter.
Hinabol naman ng Denver Nuggets ang 31-points na kalamangan at tuluyang talunin ang Indiana Pacers 125-118.
Bumida sa panalo si Nikola Jokic na nagtala ng 37 points, 13 rebounds at nine assists habang mayroong 20 point ssi Bones Hyland , nagdagdag din ng 18 points si Will Barton, tig-11 points sina DeMarcus Cousins at Monte Morris at 10 points naman ang naiambag ni Aaron Gordon.
Tumipa naman ng 25 points si CJ McCollum para dalhin ang Portland Trailblazers ang panalo laban sa New Orleans Pelicans 117-107.
Dinagdagan naman ni Jonas Valaciunas ang Portland ng 19 points, 11 rebounds at apat na steals habang mayroong 19 points si Brandon Ingram at 18 points naman si Jaxson Hayes.
Nakaligtas ang Phoenix Suns sa matinding depensa ng Golden State Warriors 107-103.
Ito na ang pang-siyam na sunod na panalo ng Suns kung saan pinagbidahan ni Devin Booker ang panalo ng koponan na nagtala ng 22 points.
Nakatulong sa panalo ng Suns ang nagawang 16 points ni DeAndre Ayton habang mayroong 15 points si Chris Paul at 10 points si Jae Crowder.
Sinamantala ng Suns ang kawalan ni Stephen Curry dahil sa pagkakaroon niya ng foot injury.










