Sinamantala ng Dallas Mavericks ang kawalan ng mga star players ng Los Angeles Lakers matapos talunin ang mga ito 128-110.
Naging kuwestiyonable pa kasi kung makakapaglaro na agad sina Anthony Davis at LeBron James dahil sa injury.
Bumida sa panalo ng Mavs si Luka Doncic na nagtala ng 34 points, 12 rebounds at 12 assists habang nag-ambag naman ng 17 points si Reggie Bullock.
Ito na rin ang pang-apat na sunod na panalo ng Dallas sa kanilang homecourt.
Dinala naman ni DeMar DeRozan ang Chicago Bulls para tuluyang talunin ang Washington Wizards 107-94.
Nagtala kasi si DeRozan ng game-high na 32 points para tapusina ng dlaawang sunod na panalo ng Wizards.
Umarangkada si Kevin Durant para tuluyang talunin ng Brooklyn Nets ang Detroit Pistons 130-123.
Nakapagtala ng 41 points at 11 rebounds si Durant habang nagdagdag naman ng 24 points si Kyrie Irving na siyang ikalawang laro nito sa kanilang sariling home court.
Nagdagdag naman ng 15 points si Bruce Brown habang mayroong 14 points at 13 rebounds si Andre Drummond at tig-11 points naman sina Seth Curry at Nic Claxton para sa Nets