Binabantayan ngayon ng National Basketball Association ang trade situation ng dalawang NBA Star na sina Portland Trailblazer Guard Damian Lilliard at Philadelphia 76ers guard James Harden
Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, kontrobersyal ang sitwasyon ng dalawang magagaling na guard, dahil sa pagnanais nilang lumipat ng ibang team, kahit na mayroon pang nalalabing taon sa kani-kanilang mga kontrata.
Una kasing ibinunyag ng dalawang players na gusto nilang umalis sa kanilang kasalukuyang mga koponan, kung saan nais ni Lilliard na pumunta sa Miami Heat habang si Harden ay nais ding iwan ang Sixers dahil sa umano’y hindi maayos na pagtrato ng management sa kanyang kontrata.
Ayon kay Silver, tututukan ng management kung paano ang magiging offer sa dalawang players, kasama na ang kung anong mga team na nagnanais mag-alok sa kanila ng posisyon.
Maalalang sa pagtatapos ng 2022-2023 season ay lumabas ang umano’y pagnanais ni Lilliard na umalis sa Blazer at tanging sa Miami lamang niya nais pumunta.
Gayonpaman, kinundena ito ng NBA ay nilinaw na kahit anong team ay maaaring kunin si Dame.
Habang sa panig ni Harden, ibinunyag din niya ang kanyang pagnanais na umalis sa Sixers dahil sa umano’y pagsisinungaling sa kanya ng isang Executive.