-- Advertisements --

Sabik na ang mga basketball fans sa pagsisimula ngayong araw ng NBA 2023 All-Star Weekends sa Salt Lake City, Utah. Matapos kasi ang mahigit dalawang taon ay magiging full-blast ang All-star game na magkakaroon ng Skills Challenges, 3-Point Contest at Slam Dunk Contest.

Isa sa inaabangan ang paghaharap ng mga piling sikat na NBA players.

Napili bilang team captain si Los Angeles Lakers star LeBron James habang sa kabilang koponan naman ay si Giannis Antetokounmpo ng MIlwaukee Bucks.

Itinuturing na paboritong manalo sa laro ay ang koponan ni LeBron James dahil sa mga matitinding lineups.