LEGAZPI CITY – Suportado ng mga pork producers ang panawagan na isailalim ang bansa sa state of emergency dahil sa hindi pa ma-control na pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kiay Nicanor Briones, Vice President ng Pork Producers Federation of the Philippines for Luzon, sinabi nito na magkaroon ng pondo kontra ASF kung sakaling maidekara ang state of emergency.
Kabilang na dito ang pagtitiyak na lahat ng apektadong commercial at backyard hog raisers ay mababayaran.
Sa pamamagitan nito hindi na matatakot o kusa nang magdedeklara ang mga tatamaan ng naturang sakit.
Tinatayang nasa 70% o halos 6 million na mga baboy ang nawala sa Luzon mula ng manalasa ang ASF.
Dahil dito aabot na sa P100-billion ang nawawalang kita sa port industry.
Binatikos rin ni Briones ang Department of Agriculture kaugnay sa plano na ibaba ang taripa sa mga inaangkat na karneng baboy dahil maaari itong magresulta ng food crisis sa bansa.