Nasa Pilipinas ngayon ang isang Italian navy ship bilang pagpapakita ng suporta ng Roma sa bansa para sa kalayaan sa paglalayag sa gitna ng mga aktibidad sa pinagtatalunang karagatan na banta sa rules-based maritime order.
Ayon sa Embassy ng Italy sa Maynila, dumating sa pantalan ng Maynila ang barko ng Italya na Francesco Morosini para sa limang araw mula July 7 hanggang July 11 na pananatili nito kasabay ng layunin ng Italian Ministry of Defense at Navy na palakasin pa ang kooperasyon katuwang ang Philippines Armed Forces at Department of National Defense.
Inihayag pa ng embahada na ang pagbisita ng Navy ship ng Italy ay para sa pagtataguyod ng naval diplomacy gayundin ang kalayaan sa paglalayag , paggalang sa international law of the sea at pagkakaroon ng ligtas at inclusive na Indo-Pacific.
Bagamat suportado aniya ng Italya ng panawagan para tiyakin ang kalayaan sa paglalayag, sinabi ng emahada na hindi ito mangingialam sa sariling mga problema ng ibang bansa lalo na sa pinagtatalunang karagatan.
Nakatakda namang magsagawa ng basic maritime training ang mga crew ng Navy ship ng Italy sa Maynila gayundin magsasagawa ng joint passing exercise (PASSEX) kasama ang mga sundalo ng Pilipinas.