Nagpositibo sa COVID-19 si Navotas City Rep. John Rey Tiangco.

Kinumpirma ito ni Tiangco sa kanyang Facebook post, kung saan sinabi rin nito na sasailalim siya sa RT-PCR test.

Sa ngayon ay naka-isolate na aniya siya, at maayos din ang kanyang pakiramdam.

Kamakailan lang ay sinabi ng Department of Health na isasama na nila ang resulta ng antigen tests sa official tally ng COVID-19 cases sa NCR Plus bilang bahagi ng outbreak response ng bansa.

Samantala, sinabihan naman ni Tiangco ang mga indibidwal na kanyang nakasalamuha kamakailan na maging sila ay magpa-test na rin sa COVID-19.