Pansamantalang isasara sa publiko ang Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Abril 11, 2020, Black Saturday.
Ito ay para bigyan-daan ang disinfection activities day bisinidad ng naturang pamilihan dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nakasaad sa abiso ng Philippine Fisheries Development Authority(PFDA) na isasara ang NFPC alas-2:00 ng madaling araw ng Sabado.
Muli namang bubuksan ang NFPC para sa regular na operasyon nito araw ng Linggo, Abril 12 ganap na alas-9:00 ng umaga para sa market halls 3 hanggang 5, habang ganap na alas-12:00 ng tanghali para sa market halls 1 at 2 sa kapareho ring petsa.
Ayon kay Atty. Glen Pangapalan, General Manager ng PFDA, ang disinfection activities ay bahagi ng “regular and necessary protocols” para matiyak na napapangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga stakeholders at para sa tuloy-tuloy na operasyon ng NFPC sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.
Nabatid na napagkasunduan sa pulong na pinangunahan ni Pangapalan noong Abril 9, 2020 sa pagitan ng Market Trading Associations, Clients, Fish traders at mga indibiduwal na nagnenegosyo sa NFPC ang pansamantalang pagsasara ng komersiyo.
Walang sinuman ang pahihintulutan na pumasok sa NFPC sa araw ng sabado maliban sa mga otorisado na mapabilang sa disinfection activities.
Sa naturang pulong ay mul ring iginiit ni Pangapalan ang Health and safety protocols sa bisinidad ng NFPC tulad ng mga sumusunod:
⁃ Mandatory wearing of face mask
⁃ No smoking policy
⁃ Physical distancing
⁃ Wearing of prescribed attire within the market halls.
Sinumang lalabag sa mga naturang alituntunin ay mahaharap sa kakulang parusa.
Mahigpit din na paiiralin ang one warning policy.
Ang mga susunod pang mga paglabag ay maaring magresulta nang pansamantalang pagpapasara ng establishemento hanggang sa makapagsumite ng kaukulang health and safety implementation plan sa tanggapan ng PFDA.
Hinihimok din ang market hall associations na magtalaga ng Health and safety officer para masiguro na nasusunod ang Health and safety protocols sa naturang pamilihan.
May inilagay na ring disinfectant tent ang PFDA sa bukana ng Navotas fish port para masiguro na ligtas sa COVID-19 ang sinuman na papasok sa NFPC.