-- Advertisements --

Naipamahagi na ng Navotas City LGU ang ECQ ayuda mula sa national government.

Iniulat ng Navotas LGU na umabot sila sa 15 days deadline na itinakda para sa pamamahagi ng nasabing tulong.

Nabatid na mahigit sa 60,000 pamilya ang nakatanggap ng cash aid mula sa P21-million na allocation ng pamahalaan.

Maliban dito, may P1.5 million naman na pondo ang galing sa city government ang natanggap ng mga PWD’s, solo parents at natitirang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).