Lumahok ang Philippine fleets naval and air assets sa anti-submarine at surface warfare exercises upang mapahusay ang kahusayan at interoperability ng mga unit nito.
Sinabi ni Lt. Giovanni Badidles, ang tagapagsalita ng fleet, na ang mga naval exercises, na kadalasang nagaganap sa Zambales ay bahagi ng seagoing phase ng Exercise Pagbubuklod 12-2023.
Kabilang sa mga kalahok na naval at air assets ang missile frigates, ang BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna, BRP Valentin Diaz, BRP Lolinato To-Ong, BRP Gener Tinangag at ang iba pang mga assets ng nasabing hukbo.
Magsasagawa rin ang mga unit ng mga tactical fleet operations alinsunod sa Command, Control, Communications, Computers, Intelligence, Surveillance and Reconnaissance interdiction.
Sinabi ni Ph Navy commander Rear Admiral Renato David na bahagi ng kanilang mandato ang patuloy na sanayin ang mga fleet forces upang matiyak na sila ay nagbibigay ng hukbong pandagat at pinag-isang command na highly competent sailors and aviator para sa tagumpay ng mission ng naturaang hukbo.