-- Advertisements --

Bunga umano ng bandwagon syndrome ng mga Pilipino ang nauusong duck hair clips ngayon ayon sa propesor ng University of the Philippines na si Dr. Jimmuel Naval.

Trending kasi ngayon ang duck hair clips na makikitang binebenta sa mga bangketa at suot-suot ng mga tao, mapa millennial man o Gen Z. 

Ayon kay Dr. Naval, mahilig umanong gumaya ang mga Pinoy sa kung ano ang nauuso. Hindi na raw ito bago dahil matagal na itong ginagawa ng mga Pilipino katulad na lamang ng pagkonsumo ng kape at milktea ng mga Pinoy ngayon na hindi naman daw katulad noon. 

Sa kabila nito, sana raw ay hindi magsawa ang mga tao na bumili nito sapagkat marami umanong kumikita sa pagbebenta ng mga duck hair clips.

Dahil marami nga ang estudyanteng nakikisabay ngayon sa trend ng duck hair clips, nagbigay naman ng pahayag si Department of Education Assistant Secretary Francis Bringas. Ayon sa kanya, hindi naman daw yata nito maaapektuhan ang klase dahil isa lamang itong accessory sa ulo. Kaya wala raw umano siya nakikitang problema rito

Maging ang mga guro daw ay hindi nila pagbabawalan na magsuot nito dahil parang katulad lamang ito ng hair ribbons at headbands.