-- Advertisements --

Nadiskubre ng Turkey ang malawak na natural gas reserve sa hilagang parte ng Black Sea.

Ayon kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan, tinatayang aabot ng 320 billion cubic meters ng gas ang kanilang nakita. Kung sakali ay ito na ang pinaka-malaking natural reserve gas na mayroon ang bansa sa kasalukuyan.

Malaking bahagi ng energy imports ng Turkey ay galing sa Russia at iba pang mga bansa. Umaasa naman si Erdogan na ang pagkakadiskubre sa naturang reserba ng gas ay makatutulong sa kanilang bansa para hindi na umasa pa sa iba.

Sa ngayon ay nagsasaga na ito ng survey sa eastern Mediterranean Sea bilang parte ng kanilang plano na magsimula ng gas production sa 2023.

Tutol naman dito ang Greece at Cyprus na parehong inaangkin ang teritoryo subalit nagpahayag naman si Erdogan na nakahanda itong ituloy ang plano.