Itinanggi ng ilang kaanak ng mga missing sabungeros na nagpabayad sila sa kanilang isinumiteng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes, Hulyo 17.
Kasunod ito ng preliminary investigation hearing ng DOJ kaugnay ng reklamong obstruction of justice na inihain ng hiwalay na grupo ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero. Kabilang sa mga complainant si Diane Loyola, ang partner ng isa sa missing sabungeros.
Ayon sa kapatid ng isa sa missing sabungero, nagtungo sila sa DOJ upang linawin na walang nangyaring areglo kaugnay ng naturang kaso.
Bago ito, nauna nang naghain ng counter-affidavits ang abogado ng puganteng negosyante na si Charlie “Atong” Ang sa parehong reklamo, na nagaakusa sa kampo nila na nanuhol sa ilang kaanak ng missing sabungeros.
Ayon naman sa isa pang kaanak na naghain rin ng counter-affidavit ngayong araw, inamin niyang tumanggap sila ng kaunting tulong subalit binaliktad umano sila, at iginiit niyang hindi sila nagpaareglo o nagpabayad.
















