-- Advertisements --
Tinawag ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) chief Jens Stoltenberg na isang pagpapakita ng kahinaan ng Russia ang ginawa nilang missile strike sa Ukraine.
Dagdag pa nito na hindi nagkaroon ng anumang pagbabago ang ginagawang pag-atake ng Russia kung kayat maraming mga sibiliyan na ang nadamay at mga gusali ang nasira.
Nangako rin ang mga NATO allied countries na patuloy ang kanilang pagbibigay ng suporta sa Ukraine para malabanan ang Russia.
Nakatakda ang mga ito na magsagawa ng pagpupulong sa susunod na linggo.