-- Advertisements --
Inilipat ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang kanilang mga personnel mula sa Iraq patungo sa Italy.
Mula kasi ng magsimula ang giyera sa Iran ay makailang ulit na ito inatake ang NATO Mission Iraq.
Matatagpuan ng military base nila sa Green Zone ng Baghdad malapit sa US Embassy doon.
Magpapatuloy ang kanilang trabaho sa Naples, Italy kung saan tutulungan nila ang Iraq na magtayo ng sustainable at effective na security institution.
Pinasalamatan ni General Alexus Grynkewich, Supreme Allied Commander Europe, ang Iraq at mga kaalyado na tumulong sa kanila para mailipat ang mga NATO personnel.
















