Nakatakdang talakayin ng mga foreign minister ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pagbibigay ng karagdagang tulong sa Ukraine sa dalawang araw na pagpupulong ngayon at bukas, Nobiyembre 30.
Ito ay matapos magbabala si Ukrainian President Volodomyr Zelensky sa panibagong pag-atake ng Russian forces ngayong linggo na mas magiging malala gaya ng nakalipas na pag-atake na nag-iwan ng milyong mga residente na walang suplay ng kuryente at tubig dahil sa pag-atake ng Russia sa mga imprastruktura.
Ayon kay Nato chief Jens Stoltenberg, ang pagpupuling sa Bucharest ay nakatuon sa pagpapabilis ng military assistance para sa Ukraine gaya ng air defense systems at ammunition at non-lethal aid gaya ng fuel, medical supplies, winter equipment at drone jammers.
Tatalakayin din ng Ministers ang aplikasyon ng Ukraine para sa pakikianib nito sa NATO