-- Advertisements --
Tiwala si North Atlantic Treaty Organization (NATO) chief Jens Stoltenberg na mapapabilis na ang pagiging miyembro ng Finland at Sweden matapos ang pagpayag ng Turkey.
Pumirma na kasi ang Turkey ng trilateral memorandum of understanding para maging NATO member na ang dalawang bansa.
Sa nasabing pagpirma ng Turkey ay nabigyang linaw nito ang mga problema sa arms exports at ang laban sa terorismo.
Susunod na hakbang ngayon ng NATO ay hikayatin ng kanilang mga kaalyadong bansa para tuluyang imbitahan ang Sweden at Finland na maging miyembro nila.
Magugunitang kinontra ng Turkey ang pagpasok ng Sweden at Finland sa NATO matapos na akusahan ang mga ito na sumusuporta ng terorismo.










