-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsisimula na ang isang linggong pagtitipon ng mga mga kalahok sa pinag-isang pagbukas ng National Schools Press Conference at National Festival of Talents 2023 na dinaluhan ng 17 rehiyon sa Atrium,Limketkai Mall, Cagayan de Oro City.

Sa pagdalo ni Department of Education Undersecretary for Curriculum and Teaching Dr. Gina Gonong sa dalawang aktibidad,sinabi nito na pagkakaton ito upang mahubog at malinang ng husto ang angking abilidad ng kabataang manunulat at tagahatid balita maging sa pagpapalago ng mga hawak nila na mga talento.

Pinaalalahanan rin ni Gonong ang mga kalahok na huwag kalimutan ang pinaka-pakay sa mga dinaluhan na aktibidad na sumentro sa paglinang ng kanilang mga kaalaman upang magamit pagdating sa takdang panahon.

Magugunitang inaasahan na bibisita rin si Vice President Sara Duterte na siya ring kalihim ng DepEd bago magtatapos ang isang linggo na magkaibang national student competitions na isinagawa sa syudad.