
Inanunsiyo ng National Grid Corporation (NGCP) na nagpapatuloy ang implementasyon ng Manual Load Dropping (MLD) sa mga apektadong distribution facilities gaya ng ZANECO, ZAMSURECO-1, ZAMSURECO-2, ZAMCELCO, MOELCI-1, MOELCI-2 at LANECO.
Paliwanag ng NGCP na ang pagpapatupad nila ng Manual Load Dropping (MLD) mga apektadong power distribution utilities ay para maiwasan ang simultaneous tripping o brownout sa Baloi-Aurora at Agus 5-Aurora 138kV lines.
Ang iskedyul ng implementasyon ng Manual Load Dropping ay rotation basis sa mga apektadong power customers.
Ayon kay Ms. Beth Ladaga, NGCP Regional Corporate Communications and Public Affairs Officer-NorthMin na nililimitahan ng NGCP ang load sa bahagi ng Aurora-Baloi 138kV line sa pamamagitan ng MLD, dahil sa delikado at mapanganib na mga halaman sa at tower nos. 22 at 23 na matatagpuan sa Brgy. Tingintingin, Kauswagan, Lanao del Norte.
Dagdag pa ni Lagada, hindi makapagsagawa ng clearing activities ang NGCP dahil sa uncooperative land owner na hindi pinapayagan ang mga tauhan ng NGCP na makapasok sa lugar.
Ang Baloi-Aurora 138kV line ay na-trip ng tatlong beses noong November 14 at 15.
Sinabi ni Ladaga na kung hindi magpapatupad ng Manual Load Dropping magpapatuloy ang mga tripping na ito, at maaaring magdulot ng mas malawak na pagkaputol ng kuryente.










