-- Advertisements --
Inihirit ngayon ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro sa national government agencies na maglabas na ng guidelines kaugnay pa rin sa policy shift sa restrictions dahil na rin sa pandemic na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Teodoro, hindi pa kasi ito inilalabas samantalang bukas na ang pilot test ng granular lockdown sa Metro Manila.
Aniya dapat umanong maglabas na ng guidelines para sa posibleng pagbubukas ng construction services, personal care businesses, mas maraming mode ng transportation, face-to-face classes at iba pa sa kalagitnaan ng policy shift.
Bukas ay isasailalim din sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa katapusan ng Setyembre 30.