-- Advertisements --
Nagdeklara ng nationwide state of emergency ang Japan dahil sa lumalalang coronavirus pandemic.
Mananatili ang nasabing state of emergency hanggang Mayo 6.
Ang nasabing hakbang ay pinapayagan ang mga regional governments na hikayatin ang mga taon na manatili sa loob ng kanilang mga bahay.
Magugunitang una ng idineklara ni Prime Minister Shinzo Abe ang isang-buwang state of emergency sa pitong rehiyon noong Abril 8.
Depensa nito na kaya niya ginawa ang hakbang dahil sa patuloy ang paglobo ng mga kaso ng coronavirus sa kanilang bansa.